Nakakabinging katahimikan.Kapag nagiisa ka di mo maiwasang malungkot lalu na kung gusto mo maging masaya pero walang maging dahilan para maging masaya ka. Marami mga bagay na pilit pumapasok sa isip mo. Ang mga nakaraan na ayaw mo ng balikan, ang mga taong ayaw mo ng maalala, mga bagay na malungkot, mga taong nawala sau, mga memories na namimiss mo, mga bagay na wala ka at mga bagay na sana nagawa o magagawa.mga taong pilit na nagdodown sau, mga taong walang bilib sau, mga taong binabaliwala ka, mga taong walang respeto..lahat ng lungkot mararamdaman o maiisip mo..hanggang sa di mo alam naiiyak ka na pala. Ang hirap dalin lahat kasi ang bigat...iniisp ko kung panu ba huminga ng maluwag, ung tipong walang hassle..sa sobrang bigat minsan pinangarap mo ng wag na lang magising o sana mapunta ka sa lugar na walang makakakilala sau.o kaya magkaron ka ng powers na maglalaho ka na lang bigla, o kya naman sa bundok kung saan tatanawin mo ang kawalan habang simisipol sa tenga mo ang lakas ng hangin o sa tabing dagat na ang maririnig mo lang ang tunog ng tubig habang tanaw mo ang walang katapusan dagat...bakit ang lahat ng bagay mahirap? ganito ba talaga...sana hindi naman..parakahit panu maranasan ko pa ring maging masaya..
This entry was posted
on 8/09/2008
and is filed under
senti mode
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
9 comments